day thirty. month one.
maraming salamat kay jec at pumayag siyang i-host nung una itong kalokohang ito. haha! ayus pre.
maraming salamat din kay lyn at sa excitement nya ayusin ito na feeling ko tuloy di ako pumapasa sa standards nya hahaha! biro lang. pasensya na lyn kung sinira ko yung unang design mo. di ko talaga feel eh. peace.
maraming salamat sa mga nagbasa at nag-reply at nag-suggest dito sa site. pati na rin yung sinabing magaling ako mag-english. natuwa yung typist ko.
maraming salamat dun sa mga tindahan sa tapat ng bftoda terminal sa may amin at sa tindahan dun sa tabi ng petron sa don antonio dahil ang mura ng yosi niyo. pati na din sa lahat ng takatak boys, itaguyod nyo ang marangal na trabaho.
maraming salamat sa mga nanlibre at namigay ng yosi dati pati na din mga nagpasindi. wala pa ako nakatagpong madamot pagdating diyan. may kinabukasan ang mga pinoy.
maraming salamat din kay nathan at ate tetet. kayo salarin. muwahaha!
maraming salamat kay tita fe, tito freddie, tito pete, tito edward, carlos, rio, john2x, kambal, kevin, tita maret, ate bane, beh, dro, makoy, norlan, myk, jerry, richard, ced, cj, onin, julz, subsob boys, mike, tita jo, reden, kat, map, jo, nina, boss dan, mark, jeff, whey, barok, allen, neil, pat, jay, madel, mama jing at sa iba pang ka-yosi ko dati. memories yan. saved them all here.
maraming salamat din sa mga nangonsensya, nagpayo at nanakot. di siya tumatalab dati pero eto tumigil na din. happy u?
maraming salamat kay joh kundi dahil sa birthday mo di ako matatakot.
maraming salamat kay kaibigang magsasaka, tatang na kahit todo yosi, lakas kalabaw pa din. watapwitdat?
maraming salamat kay sister at di ka rin pala goody two-shoes. ako na yun.
maraming salamat kay nanay at laging may baryang nakakalat at mga extra na lighter.
maraming salamat kay tatay at alam kong kaya ng isang tao tumigil manigarilyo at di na ibalik.
maraming salamat kay Lord at minulat ako at may natira pang baga sa akin. pati na rin sa pagbigay nya ng lakas para madaig ko ito. daig na daig na, baon sa lupa. You’re the Man.
yun lang.
i quit.
peace.
Comments (View)


